BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

IT'S FREE TO SPEAK UP.

IT'S FREE TO SPEAK UP.
SAY WHAT YOU NEED TO SAY

Friday, December 31, 2010

2010 Andami Nang Nangyari



Napakatagal na panahon ng muli akong humarap sa kompyuter para magsulat.
Pakiramdam ko, sa sobrang dami kong ginagawa, para na akong isang robot na hindi gumagamit ng utak.
Baka isang araw nalang mamatay ako sa tetano dahil nangalawang na ang aking utak. 
Sabi ng tatay ko, matalino daw ako, pero may oras na hindi ko na alam ang dahilan ng mga ginagawa ko basta ginagawa ko nalang ito.


Taong 2010 sobrang dami nang nangyari.Ito ang taon na nagtapos ako ng aking pag-aaral sa kolehiyo.
Umakyat ako sa entablado, tinanggap ang Dimploma na inaasam-asam ng mga magulang ko.Palakpakan ang narinig ko at ningning sa mata ni ina'y at itay ang nakita ko.Nghanap ako ng trabaho bandang Quezon City napadpad ako.Ilang buwan na ang naklipas  sa pagkayod at tila wala paring pagbabago.Kumikita ng maliit na halaga angunit may mga araw parin na kumakalam ang sikmura.Hindi ko maintindihan, umiikot na ang pwet ko sa pagsunod sa mga responsibilidad na inatas sakin,ibinigay ko ang 24 na oras na mayroon ako, ngunit parang hindi ko nararamdaman ang kaginhawaan na sa tingin ko ay nararapat para sa akin.

Tuwing Linggo, Masaya ako dahil may chansa akong makita ang pamilya ko.Nagsisimba at nagdadasal sa Diyos na sana bumagal ang oras.Swerte parin ako dahil hindi katulad ng mga OFW na minsan lang nila makita ang pamilya nila sa ilang taon.Ako 12 oras sa isang Linggo pwede ko silang makasama. 



Maiba tayo...Hindi ba't ngayon taon, may naganap na halalan.Ang natatangin bagay na nagbibigay pag-asa sa ating mga kababayang pilipino.Kahit ako mismo sa sarili ko, umaasa na mayroong mangyayaring MAGANDANG PAGBABAGO.Na hanggang ngayon ay hinihintay kong makita. Pero huwag nating iasa lahat sa lider na nahalal.Gawin natin ang pagbabago mula sa ating sarili.Lider ang hinalal natin hindi mga super heroes na kayang baguhin ang lahat sa isang iglap lang.





Sa mga hindi naman nakakaalam...Taong 2010 din, natanggap ko mula sa panginoon ang pangalawang buhay na ibinigay nya sa akin.Ang unang buhay na ibinigay nya ay pinilit ko mwala sa akin pero binigyan nya ako  ng pangalawang buhay.At dahil dito, mas pinahalagahan ko ang buhay, mga kaibigan, at mga taong mahal ko sa buhay.










Nayong taon...May mga nakulong, may mga napalaya sa taong ito. Maraming humihingi ng hustisy. MAy mga nabigyan nito  ngunit marami parin ang umaasa na makakampat ito.












At Bago matapos ang taon na ito. may isa nanamang napakagandang biyaya na binigay sa akin. Ito ang mas magbibigay ng kahulugan sa aking buhay. Ang magiging inspirasyon ko sa lahat ng bagay at magiging kaligahayan ko.









Maraming nangyari, lumipas na ang mga araw, maraming nagbago pero marami parin ang nanatiling walang progreso.
Sa susunog kayang taon? Ano-anong bagay kaya ang mangyayari? Ang mga tao kayang katulad ako at katulad mo ay mananatili sa kinalalagakan natin ngayon o iaahon na natin ang ating sarili para sa sarili nating kapakinabangan at sa kapakinabangan ng ibang tao at lipunan? 

Ikaw, subukan mong mag isip isip at bigyan mo naman ng kahulugan ang iyong buhay para sa mga taong nakapaligid sayo hindi lang para sa iyong sarili. Subukan mong gumalaw-galaw dyan sa kinauupuan mo at kumilos. 

KUMILOS KA AT MAG-ISIP. HINDI LANG PARA SA SARILI, KINDI PARA DIN SA IKAUUNLAD NG IBA.