BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

IT'S FREE TO SPEAK UP.

IT'S FREE TO SPEAK UP.
SAY WHAT YOU NEED TO SAY

WISHLIST

HOUSE AND LOT
Kahit hindi ganyan kalaki, kahit one floor lang basta kasya kami ng mga kasama ko sa bahay. Ayoko ng Mansyon na tipong hindi kayo magkakitaan at mag pang-abot sa loob. Gusto ko simple pero maganda. Yon ang matatawag kong dream house.
4X4 CAR
I promised my dad na ibibili ko sya ng 4X4 pag marami na akong pera. Hehe. Ayan siguro mga lima nyan ibibili ko si papa. Pangarap nya kasing kotse yan. Kaya pag-iipunan ko yan bilihin para sa knya. Saka na yung sakin, madali nalang yon. =D


BAHAY KUBO
Ayan, may lupa kami sa probinsya (Maguindanao) na gusto naming palagyang ng bahay kubo na 2 bedrooms para pag nagbakasyon kami don, feel na feel namin na province tlga. Pangit kasi na mgbabakasyon ka sa probinsya tapos bahay na bato rin yung pagstayan mo. Masarap yan ilagay sa gitna ng palayan. Tas paggising mo green buong paligid.

KIDS
Araw araw kami maglalaro. Pero wag muna ngayon. Pag stablished na siguro ako at ang magiging asawa ko. Kung sino man. Gusto ko makukulit, matataba at matatalino. Mana sa mommy syemre. =D



TRAVEL
"The world is a book and those who don't travel read only one page"
Pilipinas muna gusto ko ikutin saka yung mundo. Gusto ko pumunta Las Vegas, Hawaii, Sa disyerto... MAdami, madami ako guto puntahan.