Ang tao, likas na makasalanan.
Lahat nagsisinungaling.
Lahat may masamang ugali.
Lahat hindi totoo.
Dahil ang mga tao, hindi perpekto.
Ang tao ang pinakamataas na uri ng nilalang sa mundo.
Binigyan sila ng Diyos ng isip.
Pero tayong mga tao, maraming kahinaan.
Kahit may isip tayo, at alam natin ang tama at mali,
may mga pagkakataon na hindi natin maiwasan gawin ang mali.
At paulit-ulit, paulit-ulit na pinapaniwala sa sarili na hindi ito mali.
Kaya natin ginagawa ito dahil dito tayo masaya,
Masarap sa pakiramdam at hindi matutumbasan ng "tamang" bagay ang karanasan nating ito.
May mga bagay na TAMA, pero hindi ka dito masaya.
may mga bagay na TAMA, na kaya mo ginagawa dahil ayaw mong may masaktang iba.
may mga bagay na TAMA, na pinipili mong gawin dahil alam mong ayaw mong may masabi ang iba.
may mga bagay na TAMA, at ginagawa mo ito, kahit hindi ka dito masaya.
Nakakalungkot lang isipin, na tayong mga tao ay dinidiktahan ng sitwasyon kung ano ang dapat natin gawin.
Na tayong matatalinong taong may isip, ay hindi nasususnod ang kung ano ang gusto natin at kung saan tayo masaya. Na tayong mga tao, ay sunudsunuran sa kung ano ang TAMA, hindi sa kung ano ang masaya.
Tama o Mali?
Wednesday, December 07, 2011
Tama o Mali?
Subscribe to:
Posts (Atom)