BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

IT'S FREE TO SPEAK UP.

IT'S FREE TO SPEAK UP.
SAY WHAT YOU NEED TO SAY

Friday, December 31, 2010

2010 Andami Nang Nangyari



Napakatagal na panahon ng muli akong humarap sa kompyuter para magsulat.
Pakiramdam ko, sa sobrang dami kong ginagawa, para na akong isang robot na hindi gumagamit ng utak.
Baka isang araw nalang mamatay ako sa tetano dahil nangalawang na ang aking utak. 
Sabi ng tatay ko, matalino daw ako, pero may oras na hindi ko na alam ang dahilan ng mga ginagawa ko basta ginagawa ko nalang ito.


Taong 2010 sobrang dami nang nangyari.Ito ang taon na nagtapos ako ng aking pag-aaral sa kolehiyo.
Umakyat ako sa entablado, tinanggap ang Dimploma na inaasam-asam ng mga magulang ko.Palakpakan ang narinig ko at ningning sa mata ni ina'y at itay ang nakita ko.Nghanap ako ng trabaho bandang Quezon City napadpad ako.Ilang buwan na ang naklipas  sa pagkayod at tila wala paring pagbabago.Kumikita ng maliit na halaga angunit may mga araw parin na kumakalam ang sikmura.Hindi ko maintindihan, umiikot na ang pwet ko sa pagsunod sa mga responsibilidad na inatas sakin,ibinigay ko ang 24 na oras na mayroon ako, ngunit parang hindi ko nararamdaman ang kaginhawaan na sa tingin ko ay nararapat para sa akin.

Tuwing Linggo, Masaya ako dahil may chansa akong makita ang pamilya ko.Nagsisimba at nagdadasal sa Diyos na sana bumagal ang oras.Swerte parin ako dahil hindi katulad ng mga OFW na minsan lang nila makita ang pamilya nila sa ilang taon.Ako 12 oras sa isang Linggo pwede ko silang makasama. 



Maiba tayo...Hindi ba't ngayon taon, may naganap na halalan.Ang natatangin bagay na nagbibigay pag-asa sa ating mga kababayang pilipino.Kahit ako mismo sa sarili ko, umaasa na mayroong mangyayaring MAGANDANG PAGBABAGO.Na hanggang ngayon ay hinihintay kong makita. Pero huwag nating iasa lahat sa lider na nahalal.Gawin natin ang pagbabago mula sa ating sarili.Lider ang hinalal natin hindi mga super heroes na kayang baguhin ang lahat sa isang iglap lang.





Sa mga hindi naman nakakaalam...Taong 2010 din, natanggap ko mula sa panginoon ang pangalawang buhay na ibinigay nya sa akin.Ang unang buhay na ibinigay nya ay pinilit ko mwala sa akin pero binigyan nya ako  ng pangalawang buhay.At dahil dito, mas pinahalagahan ko ang buhay, mga kaibigan, at mga taong mahal ko sa buhay.










Nayong taon...May mga nakulong, may mga napalaya sa taong ito. Maraming humihingi ng hustisy. MAy mga nabigyan nito  ngunit marami parin ang umaasa na makakampat ito.












At Bago matapos ang taon na ito. may isa nanamang napakagandang biyaya na binigay sa akin. Ito ang mas magbibigay ng kahulugan sa aking buhay. Ang magiging inspirasyon ko sa lahat ng bagay at magiging kaligahayan ko.









Maraming nangyari, lumipas na ang mga araw, maraming nagbago pero marami parin ang nanatiling walang progreso.
Sa susunog kayang taon? Ano-anong bagay kaya ang mangyayari? Ang mga tao kayang katulad ako at katulad mo ay mananatili sa kinalalagakan natin ngayon o iaahon na natin ang ating sarili para sa sarili nating kapakinabangan at sa kapakinabangan ng ibang tao at lipunan? 

Ikaw, subukan mong mag isip isip at bigyan mo naman ng kahulugan ang iyong buhay para sa mga taong nakapaligid sayo hindi lang para sa iyong sarili. Subukan mong gumalaw-galaw dyan sa kinauupuan mo at kumilos. 

KUMILOS KA AT MAG-ISIP. HINDI LANG PARA SA SARILI, KINDI PARA DIN SA IKAUUNLAD NG IBA.

Monday, May 10, 2010

PILIPINO , iniinis mo ako.


Halalan 2010 ngayong araw na ito. Napakaraming balita sa telebisyon na patayan, ambush, barilan at kung ano ano pa. Saksi ako, sa bilihan ng boto. Dahil pati pamilya ko binenta ang kanilang boto na para sa kanila ay "bigay" lang bilang pasasalamat sa kanilang suporta.

NAIINIS AKO na bakit mo iboboto ang ganitong kandiato kung bago pa lang ng eleksyon ay alam mo nang gumagawa sya ng masama? Paano pa kaya pag nasa pwesto na siya?

NAIINIS AKO, dahil bakit tayong mga Pilipino ay hindi nalang ipaubaya sa tao ang desisyon? Talagang gagawa ng paraan para manalo, kahit mandaya at bumuli ng boto gagawin.

 NAIINIS AKO sa crab mentality ng mga pilipino. Hinihila ang mga nakatataas pababa at gusto laging nasa taas.

NAIINIS AKO sa mga taong pumapatay, nag uutos na pumatay para sa sarili nilang interes.

NAIINIS AKO sa mga lider na hindi marunong dumisiplina sa mga mamamayan ng bansa ngunit HIGIT NA

NAIINIS AKO sa mga mamamayan na hindi kayang disiplinahin ang kanilang mga sarili at hindi kayang maging tapat sa kanilang bansa at sa kanilang kapwa pilipino.

Umaasa parin ako na katulad ng ibang bansa sa Asya na magiging maayos at mayaman ang ating bansa. Sana tayong mga Pilipino, gumawa ng paraan at huwag iasa sa mga walang kwentang lider na nandaya para makarating sa kani-kanilang posisyon.

GUMISING KA, at makibahagi, kung tunay kang Pilipino at mahal mo ang iyong bansa, kung mahal mo ang magiging anak, apo, apo sa tuhod mo na gusto mo masilayan nila ang ganda ng PILIPINAS- ang bansa natin, pwes kumilos ka. Huwag kang puro da-da at reklamo dahil nakakarindi ka na! KUMILOS KA! KUMILOS NA! NGAYON NA! KUMILOS KA PILIPINO!

Tuesday, May 04, 2010

DECEPTION - recommended movie

 

Rating: 3.1     Runtime: 108 mins     MPAA Rating: R     Category: Thrillers

"Unassuming accountant Jonathan McQuarry (Ewan McGregor) thinks he's hit the big time when a lawyer friend (Hugh Jackman) introduces him to an exclusive sex club. But McQuarry's life begins to unravel when he falls for a woman at the club and is later linked to her disappearance. Michelle Williams, Natasha Henstridge and Charlotte Rampling also star in this atmospheric thriller from director Marcel Langenegger (in his big-screen debut)."

www.moviereviews.com

Monday, May 03, 2010

Tik tak Summer 2010

Ito pala ang summer 2010. Graduate na ako, nabenta ko  ang laptop ko at ang laman ng wallet ko ay tatlong piso. Masaya na nakakayamot ang summer na ito. Mainit ang paligid, may aircon sa bahay pero bawal gamitin, puro gulay ang ulam. 

Nang pumatak ang 2010 noong Enero, naramdaman ko ang krisis. Andyan yung 150 nalang ang baon ko na dating 250, dati 2 beses ako mag lunch sa school, naging isa nalang. Bago ako gumraduate nabenta ko mga gamit ko pambayad ng grad fee. Pero pasalamat parin ako eto at malusog ako.

Nakapagtapos na nga ako ng pag aaral at mahirap pala tlga maghanap ng trabaho. Yung gusto mo hindi mo makukuha agad-agad. Nakakapressure. Parang pinagtutulakan ka nang magtrabaho. "hindi ba pwedeng magoahinga muna?" Natatakot akong maging unemployed, perro sabi ng kaibigan kong si Michelle Manatad, after 6 months pa bago ako masabing unemployed. 
Takot, na may halong excitement ang nararamdaman kong ngayon na mgtatrabaho na ako. Para bang bawal na yung pa easy-easy katulad nung college. Kapag bago ka, huwag ka magkakamali kundi tsugi ka. Mahirap, nakaka atat maghintay kung kelan ba magsisimula. Gusto ko sanang magpakasarap muna. Mag beach, umattend ng reunions at inuman. Kaso nga lang wala naman akong pera. Isa akong dakilang tambay sa bagay na gumagawa ng blogs at ngbabasa ng libro pag naiinip. Mabuti't nandyan si Plurk, Facebook, Multiply, You tube at kung ano2 pang website na pwedeng paglibangan. 

Mahirap mapaghulihan ng panahon. Lalo na kung pumapasok ka na sa isang karerang dapat kang manalo. Pero sa isang karera ng daga, kung ayaw mo makipag unahan sa kanila, kailangan mo maging isang pusa para magtagumpay.

Kaya ikaw, tama na ang pagtambay at pag-iinternet buong maghapon. Bumanagon ka at magsimula ka nang kumilos bago ka pa maungusan ng mga dagang nakikilaban sa hamon ng buhay. Bahala ka, ikaw rin... Bka matapo na ang 6 na buwan at magtuloy-tuloy na yan. 

Tik tak.
Tik tak.


Friday, April 02, 2010

SUITOR VS. BOYFRIEND


Ang sarap ng may boyfriend. Ansarap sarap ma inlove. Asarap sarap magmahal. May ka date ka pag Valentines, Mainit ang Pasko mo at may karamay ka sa lahat ng bagay. Pero yun ang akala mo!
Ang mga lalaki, sa una lang yan noh!
  1. Pag nanliligaw yan, lilibre ka nyan ng lunch, akala mo kung sinong mayaman eh baon na nya ng isang linggo yun. Tapos pag kayo na, aba iba na ang kasabay mag lunch, pag niyaya mo ssbihin sayo, "Kumain nko mahal eh."
  2. Next, Nung nanliligaw palang yan, txt ng txt, hindi yan mkatulog kapag di ka pa nagreply. aba ang sweet sweet pa. Lahat ng matatamis na salita naiimbento nya kapag ikaw ang katxt nya, aba nung kayo na, ni mag i love you bago matulog nkalimutan, nakatulog na agad! Aba naman.
  3. Nung nanliligaw yan, sasamahan ka nyan kahit san, isang txt mo lang, anjan agad yan, willing mgbuhat ng gamit mo or samahan ka sa canteen bumili, aba nung kayo na, pag tnxt mo, ang reply sau, "wait lang po, may ginagawa po ako". Aba aba aba.
  4. Nung nangliligaw pa sya, hindi yan mpakali kapag hindi ka nya nkita sa isang araw, susunduin ka nyan sa labas ng classroom o hihintayin ka after work para mkita ka lang kahit 5 minutes, aba nung kayo na pag tinanong mo kung kelan kayo mgkikita ang sagot "Wala po kasi ako pamasahe papunta jan eh". Ang galing!
  5. Nung nanliligaw pa sya, pgising mo sa umaga, puro txt nya ang nkikita mo 12 messages nakalagay "goodmorning po", txt ka po pagkagising mo, eat kna po bfast, tgal mo po mgising, wait po kita mgising, etc" Aba ngayon pag gising mo puro GM nlng ng tropa mo ang mkikita mo tas pag tnxt mo sya ang reply sayo "gising nko". Amp.
  6. Dati panay ang post sa Facebook mo at panay ang chat sayo, Pag online ka, online din sya. Aba naman nung kayo na online kayong dalwa pero halos hindi ka nya kimbuin! hahahaha.
  7. Noon, gusto nya lagi ka nya kasama sa mga pupuntahan nya, ipapakilala sa friends, aba nung kayo na, may sarili nang lakad si gago. Nakalimutan atang may GF sya na dapat pag paalaman.
  8. Nung nanliligaw yan, ikaw ang boss. Aba nagyon syan na may kasalanan sya pa galit! Ayos!
  9. Dati... Pakitang gilas sya sayo sa lahat ng bagay, mgpapabango pa yan bgo kayo mgkita, pero ngayon hindi na nya naiisip yon, ikaw lang naman kasam nya diba? haha
  10. Dati... DAti yon ano ka ba! Iba na ngayon! Kayo na eh!

PARA SA MGA BABAE:
Dapat nating intindihin na walang relasyon ang hindi ng babago. Gnyan tlaga yang mga lalaking yan. Pakitang tao sa una. Pero lalabas din ang mga totoong kulay nyang mga yan. Pero dapat nating tanggapin at mahalin kung sino man sila at kung ano sila. Alam nyo naman pag sobra na diba. Saka nyo iwan! Pero hangga't katanggap tanggap pa, go lang. Natural lang sa mga lalaki yan noh

SA MGA LALAKI:

Ang gusto kasi ng mga babae, kait kayo na, prang araw2 ka parin nanliligaw. Dapat kung gaano ka kasweet noon, ganun prin dapat. Dapat nga mas sweet kasi kayo na. 'Kapag binigyan ka ng pagkakataon, pahalagahan mo' at dapat sa una palang ipakita mo na kung ano yung totoo dahil lalabas at lalabas din naman yan kahit anong magyari. Sana lang yung babae ay handang tanggapin at mahalin ka sa tunay mong ANYOOOOOO. haha.

PS: Hindi manhater yung author nito ah! (Malapit na. ) haha

Thursday, April 01, 2010

MAN TO MAN NALANG!

Ang mga lalaki...
Ang mga lalaki naiinis kapag maarte ang babae. Like the ff:
*Matagal Maligo...madami kasi yang seremonyas... Lotion, Facial Moisturizer, Perfume, etc. to many to mention, e ikaw, 3 buhos ok na.
*Matagal din yan mag aayos... kasi syempre undecided yan kung ano ang magandang suotin at kung magtatali ba o maglulugay, yellow ba? blue? or green na bag yung bagay sa damit, shades ba or cap nalang? Eh ikaw kung anong mahugot sa cabinet final answer na.
*Kapag tatravel, andaming dalang bagahe... akala mo 1taon ang stay yun pla three days lang. Syempre naman, yung mga damit dun nalang pipili, iba yung sa monday... sa tue at wed. Iba rin sa gabi at umaga noh! Eh ikaw yung brief mo side A tas Side B tas pagpag onti side A ulit.
*Kapag kumakain, andaming ayaw... Hindi daw pwede sa diet nya? Eh si guy yun lang ang afford? edi mpipilitan ngayon e ikaw gutom na gutom, hinayaan mo nlang sya lumamon ka nlang.
*Cr lang daw sya... aba naman antagal mo na nag hintay di parin lumabas sa CR. Pano nag retouch pa for 20 minutes, Nag ayos pa ng buhok nag pabango pa uli aba ikaw CrR nakalimutan pa mag pag pag labas agad.
*Antagal palagi pero pag ikaw ang nalate galit na galit naman, eh sya nga lagi matagal.
*Gusto nyan pag sinabi mong 1am sa bahay ka na, dapat andun ka na talga kundi gera nanaman yan pero sya bawal pagbawalan.
*Ayaw nyang sumasama ka sa mga kabarkada mo, gusto nya ikaw lagi kasama, eh ikaw bored na bored na sa knya...
*Pag ngkekwento ka, gusto nya nakatingin ka lang sa kanya at yung 100% attention mo sa knya lang. Mapatingin ka sa iba magagalit yan, e ikaw hindi naman interesado sa girl stories nya.
*Pagmatutulog kayo, gusto nya mgkekewentuhan muna, eh ikaw gusto mo tulog na agad.
*Kapag nag away... gusto lagi sya ang sinusuyo...
*Kapag may kasalanan naman... gusto nyan patatawarin agad.
*Pag ngtatampo, dapat amuhin at lambingin.
Ganyan talaga kaming mga babae... Nakakainis kami noh? Kug ayaw nyo... Edi humanap nalang kayo ng katulad nyong lalaki!
MAN TO MAN NALANG ANO!
haha.

Wednesday, March 24, 2010

Lalaki parin. DIBA?

Kung sinasabi ng mga lalaki na hindi nila tayo maintindihan, aba aba aba.
Pasakan mo nga ng papel sa bibig!

Kung sinasabi nya na masyado ka daw selosa... wag ka maniwala. Hindi totoo yon. NORMAL at NATURAL lang na magselos. Lalo na tayong mga babae. Kapag nagseselos tayo, sila may kasalanan non, kasi binibigyan nila tayo ng dahilan para mag selos. Kung hindi sila magbibigay ng pagseselosan natin, HINDI tayo magseselos. Diba?

Kung sinabi nya na masyada ko na daw demanding. Aba teka! hindi yan totoo. Ang babae hindi yan magdedemand kung may nakikita syang effort. Ilang beses nba sya nakapunta sa inyo? at naihatid ka sa bahay nyo? o nasundo sa school? tama lang mag demand ka! Eh wala namang ka effort- effort yang boylet mo eh!!! Diba?

Moody ka daw? Sabihin mosa knya tumigil-tigil sya! Aba. sino banaman hindi maiinis. Napakainsensitive ng lalaking yan. Hindi man lang makiramdam! Tapos ikaw pa sasabihin nang moody ka daw! Kaines diba! Makiramdam naman na naiinis ka na, hindi pa magawa. mga lalaki tlga INSENSITIVE. Diba?

Possesive ka na daw ba? Aysus! Waleeey.Naku ha. pano banamang hindi ka maghihigpit. E mas may oras pa sa barkada kesa sayo! At ano panay ang kwento tungkol sa mga eks at mga naging babae nya. Pano ka ba naman magiging kampante na payagan sya diba? Doon palang mali na sya doon! Pag eks na wala ng kwento ng kwento kabadtip eh. At yang mga barkada nya na walang magandang naidududlot kundi away, inom, pambababae at bisyo dapat jan pinupuksa. Diba?

Wala ka daw tiwala? Dapat lang! Yang mga lalaki huwag na huwag mo pagkakatiwalaan. Bigyan mo. Pero kaunti lang Wag buong tiwala. kasi PRAMIS tlga bibiguin ka lang nyan! pano mo ba naman pagkakatiwalaan, makalusot lang yang mga lalaking yan lahat ng pagsisinungaling gagawin nyan. maski yung imposible idadahilan! Sinong niloko nila? hmpf. Tayo pa namang mga babae mapag imbestiga. Ano??? Edi huli ka ngayon! Kaya ok lang kahit sbihan ka nya na wala ka tiwala sa kanya. wala naman tlga. Diba?

Lahat na ng reklamo sa mundo eh naireklamo ng mga lalaking yan sating mga babae. Aba naman. Kwits lang noh! Sila rin naman maraming pintas. Parehas lang. kaya kwits lang. Mga lalaki wag kayo mag maasim Kung ayaw nyo sa ugali nameng mga babae aba humanap kayo ng ka uri nyo. Sa lalaki nalang rin. Uso naman na yun ngayon. haha. =D

to be continued...

Sunday, March 21, 2010

Ilang Beses? Episode 1

Setting: Bahay


Pag gising mo sa umaga... Ilang beses ba sasabihin sa iyo na ligpitin mo hinigaan mo? Pero ano ginagawa mo? iniiwan mo lang.

Pagkatapos mo maligo, Ilang beses ba sasabihin sa iyo na yung tuwalya mo dapat mo isampay o ihanger para hindi mangamoy? Pero ano? Kung saan saan mo sinasampay.

Ilang Beses ba sasabihin sayo ng nanay mo na kapag mag totoothbrush ka, gumamit ka ng baso para hindi aksayado sa tubig? Pero ano ang ginagawa mo? Sumasahot ka ng tubig sa kamay mo pag nagsisipilyo?

Ilang beses ba sasabihin sayo ng kapatid mo, na HUWAG NA HUWAG mo papakialaman ang mga gamit nya? Pero anong ginagawa mo? Kapag wala sya, kung makagamit ka, akala mo sayo!

Kapag kakain, Ilang beses ssbihin sayo na mamaya na magtetex! Pero ano? Para kang walang narinig!

Yan, yang sapatos mo, Ilang beses sasabihin sayo na ilagay mo sa tamang lagaya? Pero ano? Pagkahubad mo, dun nalang yon???

Yung Electicfan naman, Ilang beses sasabihin sayo na patayin pag walang gumagamit? Ano? "Ay nakalimutan ko" nalang lagi mong sagot!

Pag nauuhaw ka, kukuha ka ng tubig sa ref diba? Ilang beses ba sasabihin sayo na mag baso ka! Para kang may lahing ab ab. Tungga ng tungga. MAGBASO KA SABI!

ILang beses ba sasabihin sayo na kung saan mo kinuha, doon mo ibalik? Pero anong ginagawa mo? Pagkatapos mo gamitin, iniiwan mo kung saan saan. Lalo na yang nailcutter at tsani na yan!

At eto pa... Ilang beses ba sasabihin sayo na kung inaantok ka na patayin mo na yung tv! Ano? nakatulugan mo nnman!!!

Ilang beses ba sasabihin sayo na pag ubos na yung tubig sa pitchel, lagyan mo ng tubig! Anong ginagawa mo? Kaunting kaunti nlng yung laman, isang patak nalang isosoli mo pa sa ref!!!!

Hoy! Yung Cellphone mo sasabog na! Ilang beses ba sasabihin sayo na tanggalin mo yung charger kapag full charge na! Masunog pa bahay nyo!

ALAM MO ANG KULIT MO RIN.

Kahit ilang beses sabihin sayoooooo. Inuulit mo parin!

BUSET!

To be continued...