BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS

IT'S FREE TO SPEAK UP.

IT'S FREE TO SPEAK UP.
SAY WHAT YOU NEED TO SAY

Monday, May 03, 2010

Tik tak Summer 2010

Ito pala ang summer 2010. Graduate na ako, nabenta ko  ang laptop ko at ang laman ng wallet ko ay tatlong piso. Masaya na nakakayamot ang summer na ito. Mainit ang paligid, may aircon sa bahay pero bawal gamitin, puro gulay ang ulam. 

Nang pumatak ang 2010 noong Enero, naramdaman ko ang krisis. Andyan yung 150 nalang ang baon ko na dating 250, dati 2 beses ako mag lunch sa school, naging isa nalang. Bago ako gumraduate nabenta ko mga gamit ko pambayad ng grad fee. Pero pasalamat parin ako eto at malusog ako.

Nakapagtapos na nga ako ng pag aaral at mahirap pala tlga maghanap ng trabaho. Yung gusto mo hindi mo makukuha agad-agad. Nakakapressure. Parang pinagtutulakan ka nang magtrabaho. "hindi ba pwedeng magoahinga muna?" Natatakot akong maging unemployed, perro sabi ng kaibigan kong si Michelle Manatad, after 6 months pa bago ako masabing unemployed. 
Takot, na may halong excitement ang nararamdaman kong ngayon na mgtatrabaho na ako. Para bang bawal na yung pa easy-easy katulad nung college. Kapag bago ka, huwag ka magkakamali kundi tsugi ka. Mahirap, nakaka atat maghintay kung kelan ba magsisimula. Gusto ko sanang magpakasarap muna. Mag beach, umattend ng reunions at inuman. Kaso nga lang wala naman akong pera. Isa akong dakilang tambay sa bagay na gumagawa ng blogs at ngbabasa ng libro pag naiinip. Mabuti't nandyan si Plurk, Facebook, Multiply, You tube at kung ano2 pang website na pwedeng paglibangan. 

Mahirap mapaghulihan ng panahon. Lalo na kung pumapasok ka na sa isang karerang dapat kang manalo. Pero sa isang karera ng daga, kung ayaw mo makipag unahan sa kanila, kailangan mo maging isang pusa para magtagumpay.

Kaya ikaw, tama na ang pagtambay at pag-iinternet buong maghapon. Bumanagon ka at magsimula ka nang kumilos bago ka pa maungusan ng mga dagang nakikilaban sa hamon ng buhay. Bahala ka, ikaw rin... Bka matapo na ang 6 na buwan at magtuloy-tuloy na yan. 

Tik tak.
Tik tak.


0 komento: