Monday, May 10, 2010
PILIPINO , iniinis mo ako.
Halalan 2010 ngayong araw na ito. Napakaraming balita sa telebisyon na patayan, ambush, barilan at kung ano ano pa. Saksi ako, sa bilihan ng boto. Dahil pati pamilya ko binenta ang kanilang boto na para sa kanila ay "bigay" lang bilang pasasalamat sa kanilang suporta.
NAIINIS AKO na bakit mo iboboto ang ganitong kandiato kung bago pa lang ng eleksyon ay alam mo nang gumagawa sya ng masama? Paano pa kaya pag nasa pwesto na siya?
NAIINIS AKO, dahil bakit tayong mga Pilipino ay hindi nalang ipaubaya sa tao ang desisyon? Talagang gagawa ng paraan para manalo, kahit mandaya at bumuli ng boto gagawin.
NAIINIS AKO sa crab mentality ng mga pilipino. Hinihila ang mga nakatataas pababa at gusto laging nasa taas.
NAIINIS AKO sa mga taong pumapatay, nag uutos na pumatay para sa sarili nilang interes.
NAIINIS AKO sa mga lider na hindi marunong dumisiplina sa mga mamamayan ng bansa ngunit HIGIT NA
NAIINIS AKO sa mga mamamayan na hindi kayang disiplinahin ang kanilang mga sarili at hindi kayang maging tapat sa kanilang bansa at sa kanilang kapwa pilipino.
Umaasa parin ako na katulad ng ibang bansa sa Asya na magiging maayos at mayaman ang ating bansa. Sana tayong mga Pilipino, gumawa ng paraan at huwag iasa sa mga walang kwentang lider na nandaya para makarating sa kani-kanilang posisyon.
GUMISING KA, at makibahagi, kung tunay kang Pilipino at mahal mo ang iyong bansa, kung mahal mo ang magiging anak, apo, apo sa tuhod mo na gusto mo masilayan nila ang ganda ng PILIPINAS- ang bansa natin, pwes kumilos ka. Huwag kang puro da-da at reklamo dahil nakakarindi ka na! KUMILOS KA! KUMILOS NA! NGAYON NA! KUMILOS KA PILIPINO!
Tuesday, May 04, 2010
DECEPTION - recommended movie
"Unassuming accountant Jonathan McQuarry (Ewan McGregor) thinks he's hit the big time when a lawyer friend (Hugh Jackman) introduces him to an exclusive sex club. But McQuarry's life begins to unravel when he falls for a woman at the club and is later linked to her disappearance. Michelle Williams, Natasha Henstridge and Charlotte Rampling also star in this atmospheric thriller from director Marcel Langenegger (in his big-screen debut)."
www.moviereviews.com
Monday, May 03, 2010
Tik tak Summer 2010
Ito pala ang summer 2010. Graduate na ako, nabenta ko ang laptop ko at ang laman ng wallet ko ay tatlong piso. Masaya na nakakayamot ang summer na ito. Mainit ang paligid, may aircon sa bahay pero bawal gamitin, puro gulay ang ulam.
Nang pumatak ang 2010 noong Enero, naramdaman ko ang krisis. Andyan yung 150 nalang ang baon ko na dating 250, dati 2 beses ako mag lunch sa school, naging isa nalang. Bago ako gumraduate nabenta ko mga gamit ko pambayad ng grad fee. Pero pasalamat parin ako eto at malusog ako.
Nakapagtapos na nga ako ng pag aaral at mahirap pala tlga maghanap ng trabaho. Yung gusto mo hindi mo makukuha agad-agad. Nakakapressure. Parang pinagtutulakan ka nang magtrabaho. "hindi ba pwedeng magoahinga muna?" Natatakot akong maging unemployed, perro sabi ng kaibigan kong si Michelle Manatad, after 6 months pa bago ako masabing unemployed.
Takot, na may halong excitement ang nararamdaman kong ngayon na mgtatrabaho na ako. Para bang bawal na yung pa easy-easy katulad nung college. Kapag bago ka, huwag ka magkakamali kundi tsugi ka. Mahirap, nakaka atat maghintay kung kelan ba magsisimula. Gusto ko sanang magpakasarap muna. Mag beach, umattend ng reunions at inuman. Kaso nga lang wala naman akong pera. Isa akong dakilang tambay sa bagay na gumagawa ng blogs at ngbabasa ng libro pag naiinip. Mabuti't nandyan si Plurk, Facebook, Multiply, You tube at kung ano2 pang website na pwedeng paglibangan.
Mahirap mapaghulihan ng panahon. Lalo na kung pumapasok ka na sa isang karerang dapat kang manalo. Pero sa isang karera ng daga, kung ayaw mo makipag unahan sa kanila, kailangan mo maging isang pusa para magtagumpay.
Kaya ikaw, tama na ang pagtambay at pag-iinternet buong maghapon. Bumanagon ka at magsimula ka nang kumilos bago ka pa maungusan ng mga dagang nakikilaban sa hamon ng buhay. Bahala ka, ikaw rin... Bka matapo na ang 6 na buwan at magtuloy-tuloy na yan.
Tik tak.
Tik tak.
Subscribe to:
Posts (Atom)